Linggo ganap na ika-apat ng hapon November 25, 2012 ay nagkaroon ng prosisyon sa aming parokya. Sa unang pagkakataon ay isang malaking image ng Kristong Hari ang ginamit sa halip na ang nakaugaliang Blessed Sacrament ang ginamit sa prosisyon alinsunod sa kautusan ng aming Diocese. Maraming mga mananampalataya ang sumali sa prosisyon na siyang nagpabagal sa daloy ng trapiko sa mga nadaanang mga kalyeng pampubliko ngunit hindi kinakitaan ng pagrereklamo ng mga drivers bagkus ay nakiisa at tumulong na mapaluwag ang daloy ng trapiko. Habang dinarasal ang Santo Rosaryo kasabay ng pagpoprosisyon ay damang-dama ang kaligayahn sa bawat puso ng mga deboto na karamihan ay miyembro ng mga iba't-ibang religious and mandated organizations.
Ang kapistahan ng hari ang pagtatapos ng bawat liturgical calendar year ng Simbahang Katoliko. At susunod dito ang pagsimula na naman ng bagong liturgical calendar year na kung saan mag-uumpisa na ang Advent Season para sa pagdating ng Mesiah sa Araw ng Pasko... Viva Cristo Rei!... Live into our hearts forever!....
No comments:
Post a Comment