Nitong mga
nakaraang araw, gusto ko sanang mag-blog tungkol sa Simbang Gabi o sa nalalapit
na Pasko ngunit napagtanto kong unahing i-blog ang Birheng Maria, Ina ng Buhay,
ang mismong patron ng aming parokya dito sa Quezon City. Mismong ang dating
Archbishop ng Manila na si Jaime Cardinal Sin ang nagbigay ng pangalang ito sa
aming parokya na hango sa nag-iisang Mother of Life, the Notre Dame de Vie in
Venesque, near Avignon, France. Dahil
dito ang aming parokyang Ina ng Buhay ang siyang pangalawang lugar ng Mother of
Life sa buong mundo at pinakauna sa buong Asia.
Ngayong araw na ito
ay magkakaroon na ng 3rd at final reading sa Kongreso hinggil sa
pagpapasa ng RH Bill. Naitanong ko sa aking sarili, “Bakit si Maria, hindi siya
natakot o nagkaroon ng bahid ng pag-aalinlangan sa pagtalima upang sundin ang kalooban
ng Diyos?” Pinanindigan niyang buhayin si Hesus kahit alam niyang maaari siyang
batuhin at patayin sa kanyang pagdadalantao kung sakaling walang responsableng
lalaking tatayo at aako na maging asawa niya. At kung hindi niya sinunod ang
kalooban ng Diyos na maging Ina ni Hesus mayroon kaya tayong Pasko na taun-taon
nating ipinagdiriwang? Ang halimbawa ni Maria, Ina ng Buhay ay dapat nawang magsilbing
gabay sa ating pagdesisyon kung nararapat bang ipatupad ang RH Bill.
Ang RH Bill ay
hindi solusyon para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap. Karamihan
sa mga namumuno ay galing sa mga pamilyang may kaya sa buhay. At ang mga
politikong nagpupumilit na ipasa ang RH Bill, kanino ba sila tumatakbo upang
humingi ng boto tuwing may halalan? Ang RH Bill ay hindi solusyon upang maging responsible
ang mga magulang sa kanilang mga anak. Maraming mga magulang na iisa o dadalawa
lang ang anak pero irresponsible naman sa kanilang mga anak. Maraming nagsasabi
na hindi dahil malaki ang ating population ang sanhi ng kahirapan sa ating
bansa kundi dahil sa laganap na corruption. Hindi ganito kahirap ang ating
bansa kung ang pondo sana ay totoong napupunta o naibubuhos para sa mga pangangailangan
ng mga mahihirap.
Mula sa banal na
kasulatan, sinasabing “Children are a gift from the Lord; they are a blessing”
(Psalm 127:3). Ang ating bansa ay katangi-tanging Kristiyano sa buong Asya na
ginagamit ng Panginoon upang ipalaganap ang kanyang Mabuting Balita. Ang ating
dalawang Santong Filipino (San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod) ay mga
misyonero na nagpahayag ng salita ng Diyos sa ibang bansa. Naalala ko pa minsan
may narinig akong kuwento ng isang Filipina OFW. Araw-araw ay tinuturuan niya ng
magagandang asal at kung paano magdasal ang kanyang alagang bata at dahil dito
ay nakatawag pansin sa mga magulang ng bata at sa bandang huli ay naging sanhi ng conversion ng buong pamilya na
isang makapangyarihan sa isang non-Christian country. Tayong mga Filipino ay
ginagamit ng Panginoon upang ipahayag o ikalat ang kanyang Mabuting Balita sa ibang
bansa.
Mas gusto ng Panginoon na sundin Siya kaysa gumawa tayo ng sariling desisyon kahit inaakala nating ito ay makabubuti. Kaya nagalit ang Panginoong Diyos kay Haring Saul nang sinuway niya ang instructions sa kanya sa pamamagitan ni Samuel at gumawa siya ng sarili niyang desisyon na inaakala niya noon ay makabubuti. (1 Samuel 13:13 and 1 Samuel 15:12)
Sana tularan ng
ating mga mambabatas o ng mga medical workers ng ating bansa ang naging
attitude ng mga midwives na naa-assign at inatasan ng Egyptian King na patayin
ang mga sanggol na isinisilang lalo na kung ito ay lalaki. Dahil may takot sila
sa Diyos hindi nila sinunod ang kautusan ng Hari kung kaya’t sa bandang huli ay
nabuhay si Moses (Exodus 1:15-21). Kagaya ni Maria Ina ng Buhay ay panindigan
din sana nila ang buhay.
Kung sakaling maisabatas na ang RH Bill maaaring ang paggamit ng contraceptives ay maituro na sa mga mababa at mataas na paaralan. Ang aking pangamba bilang isang ama ay kung isang araw sa pag-uwi ng anak kong dalagita na ay makita kong may condom siya o anumang contraceptives at sisitahin ko siya kung bakit meron siya nito ay maaaring sagutin niya ako ng: "Kaysa naman mabuntis ako, 'no?...." Nasaan na ngayon ang moralidad dito?
Maria, Ina ng Buhay, ipanalangin Mo po kami....
For our Bible
Quiz, Can you name the two midwives asked by the king of Egypt to kill the
babies and not let them live? (Exodus
1:15)